top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lalo na kung gusto mong umasenso sa buhay... DALAGANG SA SANDALING NAKIPAGKAIBIGAN SA MGA MABABAIT A

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 29, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Mula nang mabasa ko ang inyong mga artikulo ay naengganyo na akong mag­basa ng BULGAR. Isinilang ako noong Au­gust 29, 1990.

Gusto kong malaman kung ano ang destiny num­ber ko at ano ang ka­hulu­gan nito?

Umaasa,

Ruth ng Bagong Silang, Cabiao, Nueva Ecija

Dear Ruth,

Upang malaman ang destiny number, simpleng pagsama-samahin ang birth month, birth date at birth year.

Sa kaso mo, ang Au­gust 29, 1990 ay may ga­nitong kompyutasyon, 8+29+ 1990=2027/ 20+27=47/ 4+7=11/ 1+01=2. Ibig sa­bihin, bukod sa ikaw ay may birth date na 2, ikaw din ay may destiny number na 2.

Sa madaling salita, ang numerong two (2) na na­ngi­ngibabaw sa iyong ka­tauhan at kapalaran ay may kategor­yang weak num­ber.

Ang “weak number” ay nangangahulugan ding ikaw ay may weak na per­sonality at para lumigaya at magta­gumpay, kaila­ngang palagi kang maki­sama sa mga ma­titino at mabubuting tao na may strong number tulad ni­­lang may mga birth date o destiny number na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18 at 27.

Bukod sa nasabing mga birth date, kailangan mo ring makasama o ma­ging kai­bigan ang mga taong singko dahil ang zo­diac sign mong Virgo ay may kaakibat na plane­tang Mercury na nag­ta­tag­lay ng numerong 5 tu­lad nilang isinilang o may mga destiny number na 5, 14 at 23.

Dahil two (2) ang birth date at destiny number mo, ang magiging kapalaran mo ay depende sa implu­wen­siya ng mga taong ma­kaka­sama mo, kaya tulad ng na­sabi na sa itaas, pa­lagi kang makisama sa mga mabubuti at matiti­nong tao na may strong number upang tumi­no, bumuti, umunlad, mag­ta­gumpay at gumanda rin ang kapalaran mo.

Sa totoo lang, wala kang sariling kapalaran dahil ka­tulad mo ang dahon na na­hulog sa uma­agos na batis. Tangay-ta­ngay ka lang ng alon at kung saan-saan napa­pad­pad. Kaya kapag nakasa­ma ka sa mabuti at mabi­yayang alon, magiging ma­buti at mabiyaya rin ang iyong kapalaran.

Ang sinasabi nating “alon” ay ‘yung mga taong malalapit at nakaiimplu­wensiya sa iyo. Sa kanila nakadepende o naka­sang­ga ang iyong tadhana at kapa­laran.

Halimbawa nito, kapag nagkaroon ka ng mga ka­di­kit, kaibigan o kaya ay may­­roon kang best­friend na ma­yaman, sa ban­dang huli, wa­lang duda, magka­ka­roon ka rin ng maraming biyaya at yayaman ka rin.

Kaya kung pangit ang mga kasama mo, kusa ring papangit ang kapalaran mo. Pero, kung maganda ang mga kasama mo, awto­mati­kong ga­ganda rin nang kusa ang kapalaran mo.

Ayon sa Decadens ng Kapalaran, kung susundin mo ang mga simpleng re­komendasyong nabang­git na sa itaas, magsisimulang umangat nang husto ang graph ng iyong pag-unlad sa aspetong pananalapi at pang­kabuhayan hanggang sa tuluy-tuloy ka na ring yu­maman at lumigaya ha­bam­buhay na magsisimu­lang mangyari sa taong 2024, sa edad mong 34 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page