top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | Hunyo 29, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 29, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 29, 2019 (Sabado): Mapasa­saiyo ang malalaking am­bisyon mo. Kaya ang payo, huwag kang mag-alala dahil makukuha mo kahit ang napakalaking tagumpay na gusto mong makamit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ay araw mo at ang ilang araw pang darating. Ga­win mo na ang mga plano mo na hindi mo naituloy dahil pinanghinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-20-24-33-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng langit ng sapat na la­kas ng loob nang sa ga­yun ay maumpisahan mo na ang noon mo pa gus­tong mga proyekto na mag­papaunlad sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-26-30-35-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Piliin mo ang bagay kung saan ka nahihir­apan. Hindi na dapat maulit pa na ang pinili mo ay ang ba­gay na madali lang para sa iyo, pero sa huli ay ma­tinding lungkot at pagsi­sisi ang napala mo. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-31-32-38-41.

CANCER (June 21- July 22) - Muli mong ma­raranasan na ang dating ayaw na ayaw mo ay iyong ma­gi­ging gusto. Masasabi bang ikaw ay mahina? Hindi! Sad­­yang napakalakas ng gayuma mo. Ito ang men­sa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-27-30-41-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­luwag at walang mga sagabal sa landas ng buhay ang iyong tinata­hak. Ka­pag may nagtang­kang ha­rangan ka, ang langit mismo ang makaka­laban nila. Ito ang mensa­he para sa iyo. Ma­suwer­teng kulay-vio­let. Tips sa lotto-18-24-31-33-37-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapin ang mga suwerte mo dahil ang mga ito ay kusang lalapit sa iyo. Ka­pag hinahanap mo, baka hindi mo ito makita at ang hindi mo suwerte ang mapunta sa iyo. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-23-39-40-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ayaw mo, ayawan mo! Nagbababala ang araw na ito na kapag pinagbigyan ang hindi mo gusto, maaaring hindi ka maniwala, pero ito ay magu­gus­tuhan mo rin. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-25-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ang kapa­laran mo nga­yon. Maganda kapag ang pipiliin mo ay ang paraan kung paano ka aasenso. Nakapanghihinayang ka­pag hindi mo sinaman­tala ang pagkakataong ito. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-39-41-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng payo sa mga alam mong higit na may ka­alaman kay­sa sa iyo. Hu­wag mong kaliligtaan na ang tagumpay ay hindi na­kukuha sa palakasan ng loob. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-5-14-18-21-23-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hintayin mo ang uma­lis dahil siya ay babalik. Ang totoo, magmamadali pa siyang bumalik sa buhay mo da­hil madidilat ang kan­yang mga mata sa kan­yang pagkakamali. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-16-25-30-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpa­raya ka! Ang nauuna ay una ring nabibigo. Sa mga na­unang kabiguan, maka­ku­kuha ka ng aral sa bu­hay na magbibigay ng ga­rantiya na hindi ka ma­tu­tulad sa kanila. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-21-25-37-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa matata­pang na nilalaba­nan ang hamon ng ka­palaran. Sa ganito, tata­pang ka rin at magtata­gumpay sa bawat laban ng iyong buhay. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-21-28-30-33-37-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page