Hindi nagkaintindihan | CONSTRUCTION WORKER PINATAY NG BAYAW

PATAY ang isang construction worker matapos tarakan sa dibdib ng kanyang bayaw sa Bgy. Tambo, Lipa City, Batangas.
Alas-6:30 ng gabi, magkainuman ang biktimang si Crisostomo Pabello, 52, at suspek na si Sandy Valderama, 38, construction worker.
Bigla umanong nagtalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek saka sinaksak sa dibdib ang biktima.
Nadala pa sa pagamutan ang biktima ngunit, binawian din ito ng buhay.
Nadakip naman ng mga opisyal ng barangay ang suspek saka dinala sa pulisya.





Comments