Chinese Pres. Xi nagbanta — P-Duterte | ‘PINAS, ‘PAG NAGHUKAY NG LANGIS SA WPS, GULO!

IBINUNYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na minsan na siyang binalaan ni Chinese President Xi Jinping na maaaring pagmulan ng gulo ang oil exploration sa West Philippine Sea.
Ayon kay Duterte, ibinulong niya noon kay Xi na nais niyang maghukay ng langis sa WPS.
Bilang tugon, sinabi ni Xi kay Duterte na mas mahalaga kung hindi muna nila ito mapag-uusapan dahil kababalik lang ng pagkakaibigan ng dalawang bansa
“Sabi ko, I’m going there to dig oil. Sabi ni Xi Jinping, in whisper, tanungin mo sila, alam mo Mayor Duterte, we just restored our friendship. It was not good for a number of years pero, huwag na muna tayo pag-usapan,” ani P-Duterte sa isang panayam bago ang oath-taking ni Senator-elect Christopher ‘Bong’ Go sa Malacañang.
Nang igiit ng pangulo na pag-aari ng Pilipinas ang langis sa WPS ay sinabi ni Xi sa kanya na puwede itong mauwi sa gulo.
“No, no, balik ako. I want my oil because that is ours. He said, ‘No, that could mean trouble’,” sabi ni P-Duterte.
Dahil dito, kumbinsido ang Chief Executive sa pahayag ni Xi na isa itong malinaw na pagbabanta.
“Kayong mga ugok, ang alam niyo kayo lang ang bright, ul*l, ‘pag lumabas ‘yung… that is trouble. Anong ibig sabihin niyan, from the mouth of President Xi,” ayon pa sa Punong Ehekutibo.
Dagdag pa umano sa kanya ni Xi na maaari silang magsimula sa pagtalakay ng mga bagay na puwedeng maitulong ng China sa Pilipinas tulad aniya ng trade, commerce at investment.
“Sabi niya, let’s talk about helping each other, trade, commerce, investments, China can help. Doon na nag-start,” dagdag pa ni P-Duterte.





Comments