Ayaw magpa-selfie sa fans 'pag 'di nagtatrabaho… SIGAW NG NETIZENS: ANGELICA, FEELING SUPER-
- BULGAR

- Jun 29, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

ISANG fan ang gustong magpa-selfie kay Angelica Panganiban, pero pinagsabihan siya ng aktres na hindi ito nagpapa-picture kung wala siyang trabaho.
Sabi ng fan, “Sana, Ate Angge, pinagbigyan mo ako magpa-pic sa airport @iamangelicap. (sad face emoji).”
Sagot ng aktres, “Sorry, I wasn’t working that time. I hope you understand and respect my privacy. I love hugs tho. (love emoji)”
Reply ng fan, “Yes, Ate Angge, walang problema. Mahal na mahal kita!!! Ikaw pa ba… mag-ingat ka ate, esp. puso mo… need natin sumasaya. (heart emoji).”
Pero ang mga netizens, hindi nagustuhan ang sagot ni Angelica.
Sey ng isa, “Ay, ganu’n? Feeling super-super-super mega galactic star? Na-turn-off ako.”
“‘Pag sa work kasi, bayad na siya ru’n. Parang ‘yung mga reality show celebrities, kahit saan, okay lang sa kanila na may sumunod na camera dahil may kikitain sila ru’n. PERO ‘PAG PAPARAZZI CAMERA ‘YAN, EH, SUPER-IWAS AT GALIT sila dahil ‘yung paparazzi lang ang kikita ru’n!” hirit naman ng isang netizen.
May nagsabi at nagtanggol naman na nangyari na raw kasi kay Angelica na may nagpa-selfie sa kanya, pero nilait pa ang Kapamilya actress dahil sa iba pala gustong magpakuha ng litrato ng fan.
“Hahaha! Naalala ko ‘to, nai-post din ‘yun dito dati. Tama, ang bait ng fan, walang hanash, nag-I love you pa, lolz.”
“Parang ang lagay, eh, nag-settle na lang ‘yung intrimitidang fan na makapagpa-pic kay Angge kasi si Kathryn yata dapat ang gusto niyang maka-picture, kaso wala si Kath. Hahaha! Pangako sa ‘Yo days ‘yan!!!”
Ganito naman ang reaksiyon ng isang netizen sa tinuran ni Angelica.
“‘Respect my privacy,’ LOL! Pero super-pa-press release ‘pag imbey kung kani-kanino kesohodang clueless ang mga tao sa kung sino ang pinasasaringan niya publicly.”





Comments