top of page
Pokwang.jpg

4 adik timbog sa pot session

Pabs Hernandez III
Jun 29, 2019
1 min read

BENGUET—Apat na drug addict ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session, kamakalawa sa bayan ng La Trinidad sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Nugal, Raymark Granil, Stafin Olsem at Aruel Dagyem, pawang nakatira sa nasabing bayan.

Nabatid na nahuli sa akto ng mga awtoridad ang mga suspek na nagpa-pot session sa isang bahay sa naturang bayan.

Nakakumpiska ang pulisya ng ilang sachets ng shabu, mga kagamitan sa pagsinghot ng iligal na droga at sa kasalukuyan ay nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page