top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tsamba, tsamba lang 'yan… AKTRES, MAG-OOBER DA BAKOD NA SANA, NAINIP NA WALANG SHOW SA LILIPATAN

  • Nitz Miralles
  • Jun 28, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

MUNTIK nang lumipat ng network ang aktres na isa ring sikat at controversial influencer. Nagparam­dam na raw ito sa network na gusto niyang lipatan, kaso, matagal nagdesisyon ang management ng network.

Nang finally, gusto na ng management na kunin at papirmahin ng kontrata sa kanila ang aktres, nakapag-renew na siya ng kontrata sa network na nakadiskubre sa kanya.

Ang katwiran ng management ng network kung bakit hindi nila agad napapirma ng kontrata ang aktres, wala pa silang show na paglalagyan dito. Kung kailan may show na para sa kanya ang lilipatan sanang network ng aktres, hindi na nila siya makuha dahil nga muling pumirma ng kontrata sa dating network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page