Kahit gaano pa ‘yan kakumplikado, lodi! IBA‘T IBANG LIFE CRISIS NA PUWEDENG MAGAWAN NG PARAAN

LAHAT tayo ay nagkakaroon ng problema, kaya huwag ninyong isipin na kayo lang ang pumapasan ng daigdig. Pero, dahil magkakaiba tayo, may kani-kanya tayong pananaw sa tuwing problemado tayo kung saan mayroong mga matatapang at mayroon ding mga sumusuko kaagad. Kaya para sa mga nawawalan na ng pag-asa riyan, alamin ang mga problemang kayang-kaya pang solusyunan:
1. RELATIONSHIP. Relasyon sa pamilya, kaibigan at kasintahan, ‘yan ang madalas na dahilan kaya nai-stress ang indibidwal, lalo na kung nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan kung saan pakiramdam nila ay hindi na nila ito masosolusyunan.
Pero, nagkakamali kayo dahil sa maayos na usapan, maaari rin ninyong maayos ang problema nang mabilisan.
2. MONEY. Ang hirap maging mahirap, ‘di ba? Halos lahat ng tao, eh, sa pera na umiikot ang mundo, kaya kapag walang pera,bad mood at nakakunot ang noo.
Pero, mga beshy, ‘ika nga, pera lang ‘yan, kaya hangga’t may kakayahan kayong solusyunan, magagawa ninyo ‘yan basta mag-isip lang kayo ng tamang paraan.
3. HEALTH. Kalakip ng problema sa kalusugan ang pera, kumbaga, konektado sila, kaya para masolusyunan ang problema sa kalusugan, bukod sa magiging disiplinado kayo sa inyong mga nakasanayan, kailangan din ninyo ng sapat na pinansiyal. Gets mo?
4. INSECURITIES. Ang insecurities ay madali lang solusyunan, ang dapat lang ninyong gawin ay maging confident at contented, gayundin, huwag na huwag ikukumpara ang sarili sa iba dahil sabi nga sa kanta “we are born all superstar”! Ganern!
5. WORK. Ang hirap kapag toxic ka na sa trabaho mo, toxic ka pa sa mga katrabaho mo. Pero, madali lang ang solusyon diyan, kung talagang hindi ka na masaya, feel free na mag-resign at maghanap na ibang kumpanya hanggang sa maging komportable ka.
Huwag kang matakot na lumabas sa comfort zone mo, lakasan mo lang ang kumpiyansa mo sa iyong sarili na sa pag-alis mo sa kasalukuyan mong trabaho, eh, may tatanggap pa rin sa iyo.
Oh, ayan, kaya para maiwasan ang pagkitil sa sariling buhay dahil sa mga problemang akala natin ay hindi na kayang solusyunan, make sure na iintindihin ninyo ang lahat ng nakasulat sa itaas.
Be strong and brave, mga beshy!
Okie?





Comments