HOROSCOPE | Hunyo 28, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 28, 2019 (Biyernes): Nakapagbibigay ka ng suwerte sa mga taong nakadidikit at nakasasalamuha mo. Ito ay dahil sa suwerte ka, pero mas maganda kung sa sarili mo gagamitin ang iyong suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwertehin ka sa malalaking ambisyon, kaya huwag mong tutukan ang maliliit na pangarap dahil baka mabigo ka, pero sa malalaki, tiyak na ikaw ay yayaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mahirap at nakatutuwa ang paraan kung paano ka susuwertehin sa araw na ito dahil ang sabi ng kapalaran, linisin at ayusin mo ang bahay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-28-37-41-45.
GEMINI (May 21- June 20) - Subukan mo ang subok ng sikreto kung paano mo maaakit ang mga suwerte, ito ay para sa iyo sa araw na ito na nagsasabing, kumilos ka nang masaya at tiyak na bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-23-24-32-39-40.
CANCER (June 21- July 22) - Lumapit ka sa lugar na dating may tubig. Manatili ka roon nang may katagalan. Mahirap paniwalaan, pero ito ang sikreto para magdagsaan sa iyo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-27-30-38-41-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpasalamat ka kapag pinawisan ka, hindi na mahalaga kung ano ang dahilan, ang importante ay iyong malaman na ito mismo ang nagsasabing, ang mga suwerte ay darapo sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-24-39-40-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang magtuturo sa iyo kung saan mo matatagpuan ang mga suwerte mo. Hindi ka bibiguin ng matalas mong kaisipan dahil noon pa man, ito na ang sandata ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-25-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang damit na alam mong lantad ang ganda mo. Huwag mong kaliligtaan na may batas ng katalagahan na nagsasabing, ang maganda ay lalapitan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-20-24-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manahimik ka, ganu’n lang ka simple. Sa pananahimik, ang tao ay kusang nag-iisip nang malalim at nadidiskubre niya ang sikreto kung paano siya mas lalo pang aasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-21-26-38-40-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil ang sabi, kapag pinakitaan mo ng maganda at napasaya mo ang mga nasa ibaba, sobrang mabilis na parang kidlat, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-26-34-36-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maikakaila na ikaw ay may itinatago at iniingatang lumang gamit. Ilabas mo ito at linisin dahil tiyak na ang magagandang kapalaran ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-20-22-25-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hangin ang buhay mo, kaya hangin din ang suwerte mo. Sa ngayon, kailangang mahalikan ka sa iyong mga pisngi ng sariwang hangin nang sa gayun, ikaw ay buwenasin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-17-26-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pahalagahan mo ang nasa malayo kahit pa hindi ka maintindihan ng mga nasa malapit. Gawin mo ito dahil ayon sa kapalaran mo, ito ang sikreto para suwertehin ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-15-23-28-35.




Comments