top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

GF, ipinakilala na sa lahat… JOLO, NAGSALITA NA SA KASAL SA DECEMBER

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 28, 2019
1 min read

KITANG-KITA namin ang kakaibang sigla at saya ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla nang ipa­kilala sa lahat ang kanyang GF na si Angelica Alita sa pa-thank you dinner ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla, Jr. last Wednesday night.

Balitang engaged na si Jolo at ang GF, at nakaplano na ang kanilang kasal sa December, 2019 sa Pelican Hill, New Port Beach sa Southern California, USA. Napaka­ganda raw ng Pelican Hill at tamang-tamang venue para sa kasalan. Nagbakasyon na roon sina VG Jolo at ang GF niyang beauty queen.

Pero nang paaminin si Jolo ng press people, panay lang ang tawa nito at sabing wala pang magaganap na kasalan sa December. Sasabihin naman daw niya kung meron na.

Napansin lang ng marami na ibang-iba ang aura ni Jolo ngayon sa piling ni Angelica kumpara noong si Jodi San­tamaria pa ang kanyang kare­lasyon. Mas open sa tao at masayahin si Angelica kum­para kay Jodi na tahimik at laging nagtatago-umiiwas sa press people.

At feel na feel na rin ni An­gelica na belong siya sa sirkulo ng family and friends ni VG Jolo dahil komportable siya kapag ipinakikilala sa lahat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page