RIVALRY NG BLAZE AT CARGO MOVERS, ABANGERS SA PSL
- BULGAR

- Jun 27, 2019
- 1 min read

UMPUGAN ng magkakaribal ang nakatakdang bumanat, tagisan sa pagitan ng mahigpit na magkatunggaling Petron Blaze Spikers at F2 Logistics Cargo Movers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.
Magsisimula ang aksiyon ng 7 p.m. na sisimulan ng Blaze Spikers at Cargo Movers – ang top two clubs sa bansa, hindi lang para sa solo top spot sa standings kun’di para sa pride ng prestihiyosong women’s club tourney.
Una muna riyan ang bakbakan ng PLDT Home Fibr at Cignal ng 4:15 p.m. na isinasaere ng ESPN5 at Kapatid TV5.
Makaraan ng malawakang revamp noong off season kung saan kinuha ang serbisyo nina Filipino-American setter Alohi Robins-Hardy, May Luna at Norielle Ipac, maging ang pagbabalik ni Jovelyn Gonzaga, sisimulan ng HD Spikers ang malakasang laro sa unang pagtibag sa 25-27, 25-22, 25-10, 25-21 sa naghihingalong Sta. Lucia noong Martes.
Nakontrol ni Robins-Hardy ang tempo, nakagawa ng 18 excellent sets sa kanyang pitong atake, 3 aces at 2 blocks habang si national team mainstay Mylene Paat at skipper Rachel Anne Daquis ay may 14 at 13 points para sa HD Spikers. (MC)





Comments