top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nilayasan ng mag-iina | MISTER NAGBIGTI

Maeng Santos
Jun 27, 2019
1 min read

DEDO ang 42-anyos na construction worker matapos magbigti makaraang iwan ng kanyang live-in partner kasama ang kanilang dalawang anak sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktima si ‘Elcid’, ng Bgy. Lingunan.

Alas-7:50 ng umaga nang magtungo si Rosendo Juliano, tiyuhin ng biktima sa bahay ng kanyang pamangkin upang bigyan ito ng pagkain subalit, wala umanong sumasagot.

Nagtungo sa likod ng bahay si Juliano at laking-gulat nito nang makita ang pamangkin na nakabigti sa bakal na tangke ng tubig gamit ang nylon cord.

Lumabas sa imbestigasyon na dumaranas ng depresyon ang biktima matapos layasan ng kanyang live-in partner noong nakaraang linggo kasama ang kanilang dalawang anak dahil sa madalas nilang pag-aaway.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page