top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagpakatotoo lang… REGINE, UMAMING NASA SIYETE PA, SHOWS NA NG DOS ANG PINAPANOOD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

SA 8th anniversary ng show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice last Sunday ay guest ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Kinanta ni Vice ang Dadalhin on his own version at ang movie theme song na pinagbidahan noon nina Regine at Robin Padilla na Kailangan Ko’y Ikaw.

Hindi itinuloy ng Unkabogable Star ang kanta dahil sobrang lungkot daw at hindi sanay ang kanyang audience sa GGV na malulungkot ang mga napa­panood sa kanyang programa.

Humirit ang Asia’s Songbird kung puwede raw ba niyang kantahin ang kanta ni Vice na Whoops Kiri sa sarili naman niyang bersiyon.

Hindi nagustuhan ni Vice ‘yung unang version ni Regine dahil wala raw siyang connect sa audience.

Dapat daw ay madadala ang kanyang manonood sa Regine version ng Whoops Kiri.

Sandaling nag-isip ang Asia’s Songbird at saka binirahan ng kantang makabagbag-dam­damin ang Whoops Kiri.

Ang ganda ng pagkakaawit ni Regine na nag-viral sa socmed. Hindi siya napahiya kay Vice dahil maging ang comedian-TV host ay bumilib nang husto sa singing prowess ng misis ni Ogie Alcasid.

Walang nasabi si Vice sa Whoops Kiri version na perfect ang pagkakakanta.

Samantala, before the GGV show, binanggit ni Vice na kahit wala pa si Regine sa ABS-CBN ay pinapanood daw nito ang kanyang programa. Nagte-text-an na raw sila ni Regine noon pa man na nasa kabila pa ang singer.

Maging ang It’s Showtime ay pinapanood din daw ni Regine.

Umamin ang Asia’s Songbird na pinapanood talaga niya ang GGV, lalung-lalo na raw ang kapatid niya at kanilang ina.

Sabi ni Regine, “Actually, taga-Channel 2 talaga sila.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page