Mga cong., wala nang gana sa House Speakership

PORMAL nang idineklara ni Sen. Manny Pacquiao na si Rep. Lord Allan Velasco ng Marinduque ang susuportahan ng PDP-Laban at Partylist Coalition.
Pero, pumalag ang mga miyembro ng dalawang grupo dahil hindi sila kinonsulta!
◘◘◘
IBINUNYAG ng mga miyembro na walang consensus na naganap at mga lider lamang ang nagdesisyon.
Kumbaga, simpleng pautot lang!
◘◘◘
KINONTRA mismo nina Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin at TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza sa paglagda ni Partylist Coalition Foundation, Inc. (PCFI) President Mikee Romero sa manifesto of support kay Rep. Velasco.
Binigyan-diin nila na unfair na palabasin ni Romero na ang buong PCFI ang sumusuporta sa Speakership bid ni Rep. Velasco!
◘◘◘
IKINABABAHALA ni Rep. Defensor kung ano ang patutunguhan ng eksenang ito.
May itinakdang meeting ang koalisyon, pero wala nang gana ang mga miyembro!
◘◘◘
DELIKADONG mapatalsik si Rep. Romero bilang pangulo ng koalisyon.
Nagkaletse-letse na!
◘◘◘
Inamin din ni Rep. Joey Salceda na walang nangyaring konsultasyon sa mga miyembro ng PDP-Laban bago iendorso si Rep. Velasco bilang House Speaker.
Lumalabas na dinidiktahan ng mga lider ng PDP-Laban ang kanilang miyembro!
◘◘◘
HINDI rin natatakot ang mga miyembro sa banta ni PDP-Laban President Koko Pimentel na parurusahan ang mga hindi susunod sa kanilang desisyon.
Kumbaga, binu-bully at tinatakot na ang mga pobreng kongresista!





Comments