top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kesa droga — Digong | JUETENG, TULOY!

Mylene Alfonso
Jun 27, 2019
2 min read

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na nanga­ngamba siya na posibleng ang mga apara­tus ng iligal na droga ang papalit kapag binuwag ang network ng jueteng.

Dahil dito, wala siyang plano na ipatigil ang operas­yon ng jueteng sa bansa at hindi umano tulad ang jue­teng sa KAPA ministry na may sabit ang operasyon.

“‘Yan ang pinakama­gan­dang networking na suc­cess­ful talaga. Walang sabit. Hindi ka pa mag-KAPA-KAPA ka pa diyan, eh. Kasi nandiyan ‘yan,” katuwiran ni Duterte sa kanyang talum­pati sa oath-taking ng mga bagong halal na local officials sa Malacañang.

Aminado ang pangulo na hangga’t hindi nakapagla­lagay ng pagkain sa lamesa ang ekonomiya sa bansa, ma­rami pa rin ang susugal sa buhay tulad ng sugal na jueteng.

Kung papipiliin umano siya sa pagitan ng iligal na droga at jueteng, pipiliin na lamang niya ang lesser evil at ito ay ang jueteng.

“Maski sinong presi­dente ilagay mo dito, for as long as the economy does not really provide food on the table for so many fami­lies, hayaan mo na lang ‘yan. At least, ang pera doon… kasi hindi ko talaga rin kaya. At pagkasinira ko ‘yan, ang papalit sa apparatus niyan, droga. So, choose between the lesser evil,” sabi pa ni P-Duterte.

Giit pa ng Punong Ehe­kutibo, hindi rin niya maa­aring mautusan ang mga pulis na araw-araw na magsagawa ng raid sa operasyon sa jue­teng dahil wala siyang sapat na puwersa at tauhan.

“I cannot order my po­lice to go and make a swee­ping campaign every­day. I do not have that kind of force. And besides, kung maglakad lang sila ngayon sa Luzon which was the — exactly the same modus ope­randi sa Mindanao, pana­hon ng sparrow. ‘Pag mag­lakad ang pulis, magpatrol ang pulis mag-isa, kunin talaga ‘yung baril,” paliwa­nag pa ng Chief Executive.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page