top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Hunyo 27, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 27, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 27, 2019 (Huwebes): Lu­mayo ka! Magpunta ka sa malayong lugar o mag-abroad ka nang sa gayun ay matagpuan mo ang mga suwerte mo. Ito ay utos ng kapalaran na ka­ilangan mong paking­gan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang maga­gan­dang ideya na naglalabas-ma­sok sa isip mo. Ang mga alahas, gaanuman kamahal ay walang kabuluhan kung hindi isusuot. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-3-19-20-24-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malaki ang posibili­dad na ata­ki­hin ka ng tamang-hi­nala. Bago ka gumawa ng hindi tama, maghanap ka muna ng sapat na ebi­densiya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-25-39-40-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Pagki­los ang iyong kailangan pag­katapos mong makuha ang napakagandang por­mula kung paano mo pa­lalaguin ang iyong kabu­hayan. Sa pagkilos, ang lahat ay hindi masasa­yang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-19-27-29-35.

CANCER (June 21- July 22) - Makiki­tang ngayon ay gustung-gus­to mo ng tuparin ang pa­ngako mo sa iyong sarili na ibubuhos mo ang lahat ng lakas mo para hindi ka mapigil ng kahit sino. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-25-30-36-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kon­trolin mo ang iyong sa­rili. May po­si­bili­dad na mapaniwala ka sa mga nauuso ngayon na ma­bilisang pagkita ng mala­king halaga ng pera. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-27-30-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdududa ka­hit kanino, lalo na sa sarili mo. Walang pag-asenso ang taong madalas ay tinatalo ng pagdududa sa kapwa at sa sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-18-20-24-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda, ‘yun ang para sa iyo, pero ang magpapasya kung ano ang maganda para sa iyo ay ang langit at hindi ikaw. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-8-17-24-34-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magha­nap sa mga nasa malapit sa iyo dahil iinit lang ang ulo mo. Tang­gapin mo ang katotohanan na ang iyong kaligayahan ay nasa malalayong lugar. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-22-29-30-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka mauunawaan ng mga nasa tabi mo. Ngayong alam mo na ito, wala ka ng ka­rapatang sumama pa ang loob. Pang-unawa ang ka­ila­ngan mo ngayon. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-13-25-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ipagda­mot ang iyong ngiti. Ayon sa kapalaran, ang ngiti sa iyong mga labi ay katumbas ng pag­ngiti sa iyo ng nakama­mang­hang magagandang kapa­laran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-21-24-31-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pairalin mo ang iyong pang-unawa, higit kailanman, ngayon mo kailangang lawakan ang isipan mo. Ito ang sik­reto ng kapalaran nang sa gayun, ang mga suwerte ay mabilis na magsidapo sa buhay mo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-26-28-30-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maghanda ka! Nagpasya na ang langit na pagkalooban ka ng mala­laki at nakagugulat na mga suwerte kaya kung hindi ka nakahanda, puwedeng ma­ba­le­wala ang mga ito. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-21-28-34-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page