VP Leni tinawag na boba, hirit ng Palasyo | SEC. LOCSIN, MANA LANG KAY P-DIGONG
- Mylene Alfonso
- Jun 26, 2019
- 1 min read

IPINAGTANGGOL ng Malacañang ang makukulay na pananalita umano ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na tulad din umano ng estilo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kaya nakuha ng pangulo ang paghanga mula sa international community dahil sa matatapang na pananalita nito.
“Ang presidente natin ‘di ba, ganundin ang style? Pero kita mo naman ang epekto. Look at the effect when he curses Obama, ‘di ba? Bigla siyang tiningala ng buong mundo as an emerging world leader,” ani Panelo.
“He (Duterte) stood up. Kung minsan marami ring nagagawa ‘yang mga ganyan,” giit ni Panelo.
Ipinaliwanag din ni Panelo ang mga naging kontrobersiyal na pananalita ni Duterte laban kay Obama at sa European Union kaugnay sa war on drugs ng gobyerno.
Matatandaang, sa kanyang twitter, tinawag ni Locsin na “boba’ si Vice President Leni Robredo matapos itong magbitiw ng mga komento tungkol sa pagkansela sa mga diplomatic passport.
Gayunman, agad ding humingi ng tawad ang kalihim sa kanyang binitawang pahayag.
“Siguro something triggered him to say that. Sabi ko nga siguro out of exasperation. He was expecting more from a lawyer (like Robredo),” sabi ni Panelo.
“Kung acceptable ‘yun hindi na sana siya nag-apologize,” dagdag pa ni Panelo.





Comments