Pista ng San Juan, umiwas sa mga nambabasa | RIDER SUMALPOK SA TRAK, PATAY

DEDO ang 18-anyos na babaeng rider makaraang sumalpok sa kasalubong na trak sa Lemery, Batangas.
Batay sa ulat, tinatahak ni Vanessa Manguerra ang Diokno Highway nang iwasan niya ang mga nambabasa kaugnay sa kapistahan ni San Juan.
Hanggang sa napunta siya sa kabilang linya ng kalsada kung saan nakasalubong nito ang elf truck na naging dahilan ng salpukan. Kaugnay nito, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang driver ng trak na posibleng masampahan ng kaukulang kaso.





Comments