top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa mga tambay pa rin after gumradweyt, read n‘yo ‘to! tips para makahanap ng trabaho

  • Jersey Sanchez
  • Jun 26, 2019
  • 2 min read

STRUGGLE is real para sa mga fresh graduate na hanggang ngayon ay hirap sa paghahanap ng trabaho. Oks lang ‘yun dahil ‘ika nga nila, suwertehan lang ‘yan, pero, hindi natin puwedeng iasa lang ito sa suwerte dahil tayo ang dapat na gumagawa ng paraan para magkaroon ng progress ang ating buhay. Kaya narito ang ilang tips para sa paghahanap ng trabaho:

1. GOOD CV & COVER LETTER. Ang mga dokumentong ito ang pagbabasehan ng HR kung karapat-dapat kang matanggap sa posisyong ina-apply-an mo. Kung sanay ka sa submissions na maraming palabok o pakulo, ibahin mo ito, beshy, dahil sa paggawa nito, dapat kang maging straightforward at honest. Siguraduhin mong maayos ang format, grammar at picture mo rito.

2. CLEAN SOCIAL MEDIA PROFILE. Dahil iba na ang paraan ng pagre-recruit ngayon, nagiging parte na ng pag-e-evaluate sa aplikante ang pagtsetsek ng kanilang social media accounts. Kaya kung may posts ka na unprofessional, i-hide mo na ‘yan, besh! Sa ganitong panahon dapat seryosohin ang privacy settings. Okie?

3. LEARN NEW SKILLS. Isa sa hindi sineseryoso ng karamihan ay ang pag-aaral ng iba pang skills. Ito ay dahil nagiging kampante tayo na alam na natin ang lahat ng nasa field natin. Pero, ‘ika nga nila, learning is a continuous process, kaya huwag makuntento sa kung ano lang ang alam mo.

4. HAVE MORE OPTIONS. Halimbawa, hindi porke finance graduate ka, eh, sa bangko ka lang mag-a-apply. Hindi sa sinasabi nating huwag ka nang mag-apply sa kumpanyang gusto mo, pero, halos lahat ng kumpanya ay may pare-parehong departamento. Kaya habang naghihintay ka ng oportunidad sa dream company mo, mabuting sumubok ka na maghanap sa iba pang kumpanya. ‘Ika nga nila, more options, much better!

5. FOCUS ON YOUR WORK ETHICS. Dahil maraming fresh graduate ang wala pang work experience, puwede pa rin kayong mag-shine dahil sa tamang work ethics. Puwede mo itong ipakita sa iyong cover letter at sa interview. Plus points ito dahil mas pinipili ng karamihan ang may magandang work ethics kaysa sa graduates mula sa magagandang universities. Be humble and confident at ipakita mong willing kang matuto.

Kung na-reject ka, huwag kang malungkot, bagkus, gamitin ang experience na ito sa mga susunod pang pagkakataon. Huwag kang mawalan ng gana dahil for sure, mayroong nakalaan para sa iyo. Good luck sa paghananap ng trabaho, beshy!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page