Para maiwasan ang disgrasya sa kalsada; Angkas driver, dapat dumaan sa training!

DAHIL sa matinding trapiko na ating nararanasan araw-araw, bentang-benta talaga para sa lahat ang pagtangkilik sa motorcycle ride-hailing service na Angkas.
Nakatutuwa rin na matapos ang mga kontrobersiya hinggil dito kung saan ipinahinto ang pag-arangkada nito, tuloy na tuloy na ang pagsasailalim ng mga drayber para sa mandatory training, ayon sa Philippine National Police- Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Ito ay dahil mas makabubuti umano ang training para sa kaligtasan ng mga drayber at pasahero dahil takaw-aksidente ang mga motorsiklo, lalo na ngayong tag-ulan at madulas ang daan.
Gayunman, ang nasabing training na isasagawa ay hindi sapilitan, pero mas mainam kung ang lahat ay makikipagtulungan.
Sa totoo lang, maliit na bagay lang ang paglalaan ng ilang oras o araw para sa training na katumbas naman ng inyong kaligtasan.
Gayundin, magiging magandang halimbawa pa ang mga Angkas driver dahil sila ang mangunguna upang maging disiplinadong motorista.
Kaya para maiwasan ang anumang kapahamakan, dapat lang na dumaan sa training ang sinumang drayber na responsable sa kanyang mga angkas o pasahero.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments