top of page
Pokwang.jpg

Mag-isa habang nasa loob ng kuweba

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 26, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ami ng Ami +Hori @facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na nasa loob ako ng kuweba, tapos ang lungkot ko at nag-iisa lang ako nang biglang may malaking kamay ng babae na nag­liliwanag?

Naghihintay,

Ami

Sa iyo Ami,

Ipinapayo sa iyo ng iyong panaginip na kapag hindi mo na makayanan ang iyong mga problema o mga alalahanin sa buhay, pumasok ka sa iyong kuwarto, isara mo ang lahat ng bintana at pinto at kausapin mo si God.

Ito ang sinasabi ni Lord Jesus Christ tungkol sa tamang pagdarasal. Dagdag pa Niya, sa ganitong paraan ay lihim mong makakausap si God at ang kanyang pahabol ay kakausapin ka rin ni God nang palihim. Sobrang mahiwaga ang turo ni Lord, kaya ano ang mga katotohanan sa buhay ng tao sa likod ng mga sinabi ni Jesus?

Ang “lihim” na pagdarasal ay ‘yung wa­lang letrang lalabas sa bibig mo, kaya ang ta­lagang pagdarasal ay sa puso at isipan.

Nasubukan mo na ba ang meditation? Paano? Pumunta ka sa tahimik na lugar at magpokus ka.

Mahirap man paniwalaan, ikaw o ang iyong espiritu at si God sa sandali ng pananahimik at kawalang paggalaw ay mag-uulayaw.

‘Yung “mag-uulayaw”, iha, ay magkakaroon ng relasyon.

Muli, iha, kapag pinahihirapan ka ng mga problema at alalahanin, gawin mo ang nasa itaas. Makaaasa ka na si God mismo na nag­mamahal sa iyo ay ituturo sa iyo ang daan kung paano ka liligaya at ang mga suliranin mo ay mawawala lahat.

Ito ang ibig sabihin ng nasusulat sa Bibliya tungkol sa pagkausap kay God nang palihim.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page