Kaparusahan sa nagpapanggap na authorized psychometrician

Dear Chief Acosta,
Nais kong nalaman kung ano ang parusa kapag ang psychometrician ay nagpanggap na awtorisadong mag-practice ng kanyang propesyon noong panahon na ang kanyang lisensiya ay nakasuspinde? — Ted
Dear Ted,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act No. 10029 o Philippine Psychology Act of 2009. Nabanggit sa nasabing batas na:
Section 33. Prohibited Acts. - (a) No person shall:
◘◘◘
(2) Represent himself/herself to be a licensed and authorized practicing psychologist or psychometrician during the time that his/her certificate of registration has been suspended or revoked or professional identification card without being renewed, or special/temporary permit cancelled;
◘◘◘
Section 34. Penalties. - Any person who violates any provision of this Act implementing rules and regulations shall be punished with imprisonment of not less than six (6) months but not more than three (3) years or a fine of not less than ten thousand pesos (P10, 000) but not more than one hundred thousand pesos (P100, 000) or both, at the discretion of the court.” (Binigyang-diin)
Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na ang pagpapanggap bilang awtorisadong psychometrician habang nakasuspinde ang kaukulang lisensiya ay maaaring magdulot ng pagkakulong ng hindi bababa sa anim (6) buwan ngunit, hindi lalampas ng tatlong (3) taon at/o multa ng hindi bababa sa P10,000 ngunit, hindi lalampas ng P100,000, depende sa pagpapasya ng hukuman.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments