Hirit sa mga Obispo at pari | TUMULONG NA LINISIN ANG MAYNILA

HUMINGI ng suporta kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillio at sa mga pari sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas si Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Kung saan pinag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa community relations, environment, peace and order at social services sa Maynila. Nakiusap din ito sa mga pari na tulungan siya upang linisin ang Maynila.
Isinagawa ang nasabing courtesy visit sa Obispo at mga pari, ilang araw bago ang nakatakda nitong oath-taking sa Hunyo 30, kay Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.
Layon umano nitong marinig ng mga concern ng Simbahan bago magsimulang ang bagong pamunuan.





Comments