top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Chinese restaurant hinagisan ng granada

Gina Pleñago
Jun 26, 2019
1 min read

BIGONG mapasabog ang isang Chinese restaurant ng hindi pa kilalang nakamotorsiklo nang hindi sumabog ang inihagis nitong granada sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Patuloy pang inaalam ng Pasay City Police ang pagkakakilanlan ng nag-iisang suspek.

Ayon sa inisyal na ulat, pasado ala-1:00 ng madaling-araw nakunan pa sa CCTV camera ang pagdating ng nakamotorsiklong suspek at biglang hagisan ng MK2 grenade ang Chinese restaurant na Rong Hui na matatagpuan sa Arnaiz Avenue.

Sa pahayag ng supervisor ng resto na si Bryan Chua, apat na Chinese ang kumakain sa loob nang magtakbuhan ang mga waiter dahil sa inihagis na granada ng suspek na masuwerteng hindi sumabog.

May hinala si Chua na kagagawan umano ito ng isa nilang empleyado na nag-text sa kanya noon ng pagbabanta.

Kinordonan agad ng mga tauhan ng Explosives Ordnance Division ang lugar na maingat na nagsagawa ng safety procedure para sa narekober na granada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page