Bagyong dodong, ‘to-the-rescue’ sa angat dam

NANINIWALA si PAGASA Weather Forecaster Nikos Peñaranda na ang Bagyong Doong ang posibleng makabawas sa mabilis na pagbaba ng tubig sa Angat Dam na kahapon ng umaga ay nasa 158.77 meters na mababa ito sa 160 meters na critical level.
Samantala, lumakas pa at naging tropical depression na ang low pressure area na makaaapekto sa ilang lugar sa Luzon at Visayas.
Alas-2:00 ng hapon nang kumpirmahin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang paglakas ng namumuong sama ng panahon na ginawa ngayon ng Bagyong Dodong.
Inaasahang magiging maulan sa Western Visayas, gayundin sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA.
Ayon pa kay Peñaranda, makaaapekto ang Habagat sa Western Visayas at kanlurang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Metro Manila.





Comments