top of page

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA KULAM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Jes­sie ng Jessie_Dark_Star @facebook.com

Dear Señor,

Gusto kong malaman kung totoo ba ‘yung kulam. ‘Yung bestfriend ko kasing babae ay kinulam daw. Ang sabi ng parents niya, nagkasakit daw siya, pero hindi alam ng doktor kung ano ang sakit niya at nang dalhin siya sa albularyo ay lumala ito.

Bago raw ‘yun ay hindi siya makatulog, tapos, ayaw niyang kumain, lumabas ng kuwarto at palaging na­katulala. Tapos, nakikita ng iba na kinakausap niya ang kanyang sarili.

Anim na buwan siyang ganu’n, tapos, bigla siyang sumigaw nang ma­lakas, pero hindi nila pi­nansin, tapos, kinauma­gahan, pa­tay na siya. Kulam ba ang tawag du’n?

Naghihintay,

Jessie,

Sa iyo Jessie,

Marami ang hindi nani­niwala sa kulam, pero ma­rami rin ang naniniwala.

Maselan ang usapin kung totoo nga ba ang kulam, ma­aari itong magbunga ng ma­habang pagtatalo na sa huli ay hindi rin magkakain­tin­dihan.

Pero, kahit papaano dahil karamihan sa mga Pinoy ay mga Kristiyano, puwe­deng sa Bibliya tayo kumuha ng ilang katotohanan tung­kol sa kulam. Ngunit, hindi pa rin maiiwasan na ang mga Pinoy kahit pa mga Kristi­yano ay nagdududa pa rin dahil may ilang tao na hindi naniniwala sa nakasulat sa Bibliya.

Ito ang masaklap na ka­totohanan sa mga Pinoy na sinasabing, “the only Chris­tian country sa Southeast Asia”.

Ang isa pang totoo sa bansa natin, dito lang napa­karaming relihiyon at kahit sobrang dami ay nadarag­dagan pa nang nadaragda­gan, ngunit, hindi pa rin nag­babago ang antas ng mora­lidad at kaalaman sa tunay na kabanalan.

Ang isa pang nakaiin­triga, araw-araw ay umaapaw ang Simbahan sa dami ng nag­sisimba. Apatnaraang taon ng sakop ng mga Kastila ang bansa, kaya apatnaraang taon na ring naririnig ng mga Pinoy ang salitang Bibliya.

Pagkatapos ng mga Kas­tila, nagdatingan ang mga Amerikano na ang dala-dala ay ang iba’t ibang relihiyong Protestante na mas lalong mahilig sa pagbabasa ng Bib­liya kaya kung iisipin, dapat sobra na ang kaalaman ng mga Pinoy kung ano talaga ang ma­babasa sa kanilang Bib­liya.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page