Sekyu sinaksak ng estudyante
SAMAR—Isang security guard ang sugatan nang saksakin ng 16-anyos na estudyanteng lalaki, kamakalawa sa loob ng eskuwelahan sa Catbalogan City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Dino Lamograr, security guard ng eskuwelahan sa nasabing lungsod.
Nabatid na sinita umano ni Lamograr ang hindi pinangalanang menor-de-edad na estudyante dahil sa pag-inom nito ng alak sa loob ng eskuwelahan, pero ang pagsita ay ikinagalit ng suspek kaya sinaksak nito ang biktima.
Ginagamot na sa ospital si Lamograr, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments