top of page
Pokwang.jpg

Para sa kontrobersiyal na House Speakership | MGA CONG., NAG-OBER DA BAKOD

Mylene Alfonso
Jun 25, 2019
1 min read

SA kasagsagan ng init sa karera sa bagong House Speaker, nagkaisa ang mga mambabatas sa PDP-Laban na isulong ang pagka-Speaker ni Cong. Alan Peter Cayetano kahit pa siya ay mula sa Nacionalista Party.

Ayon kay Cong. Ronnie Zamora, nagdesisyon siyang suportahan si Cayetano dahil alam niyang siya ang pinaka-kuwalipikado kumpara sa ibang mambabatas.

Para naman kay Cong. Neptali Gonzales, ang kailangan sa Kamara ay hindi lamang malapit sa presidente kundi may kakayanan ding mamuno, bukod pa sa magandang track record sa serbisyo-publiko.

Dagdag naman nina Cong. Abraham Tolentino at Cong. Dan Fernandez, naghayag na ng suporta ang karamihan ng PDP-Laban solon para kay Cayetano.

Matatandaang, sinabi ni Sen. Manny Pacquiao, tumayong campaign manager noong nakaraang eleksiyon, na handang suportahan ng PDP-Laban ang napipisil nilang kandidato sa pagka-Speaker kahit na hindi ito kasapi ng partido basta suportado ng presidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page