P68 milyong shabu sa Chinese teabag, buking
- Levi Gonzales / Jeff Tumbado
- Jun 25, 2019
- 1 min read

NASA kabuuang P68 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang drug suspect sa Lipa City, Batangas, kahapon.
Binubuo ito ng 10 selyadong Chinese teabag na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga na nasa 10-kilo ang bigat.
Kasabay ng operasyon ang pagkakadakip sa suspek na si Eugene Fernandez, nang salakayin ng Batangas Provincial Police Office-Provincial Intelligence Branch, Mobile Force Company-SWAT, Drug Enforcement Unit, Lipa City Police at Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 4, alas-2:30 ng hapon sa Bgy. San Francisco.
Nasamsam din sa posesyon ni Fernandez ang cal. 45 pistol colt MK IV, magazine na may 8 bala, tuyong dahon na hinihinalang marijuana marked, dalawang halamang marijuana na nakatanim sa paso at digital weighing scale.
Ikinasa ang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Cynthia Mariño Ricablanca ng Regional Trial Court-Tanauan City.





Comments