MY JOPAY, BOSS EMONG, AT REAL GOLD SA 3RD LEG
- Ding Taboy
- Jun 25, 2019
- 1 min read

POSIBLENG magkita-kita sa 2019 Philracom “3rd Leg Triple Crown” ang tatlong magagaling na kabayo ng 2nd Leg Triple Crown champion, na Boss Emong, 1st Leg Triple Crown champion na Real Gold at 2nd Hopeful Champion na My Jopay sa Malvar, Batangas.
Ang final round ng Triple Crown ay masusing paghahandaan ng mga kalahok dahil higit na mahaba ang distansiyang paglalabanan. Ang 3rd Leg Triple Crown ay magaganap sa Hulyo 21, sa distansiyang 2,000 meters sa Metro Turf Club Inc. (MMCTI) sa Malvar.
Posibleng sumali ang de remateng Toy For The Bigboy, Jayz, Shanghai Noon at Best Regards.
Itinanghal na kampeon ang Boss Emong sa nakaraang linggo, Hunyo 23, sa tagpong naganap sa Santa Ana Park habang nag-kampeon si Real Gold nang sungkitin ang 1st Leg Triple Crown.
Ang My Jopay ay unang sumali sa unang Yugto ng Triple Crown subalit nabigo sa naunang pagtatangka. Sa ikatlong yugto ng Triple Crown, higit na pagbubutihin ang paghahanda sa mga kalahok.
Samantala, magiging mahigpit ang laban sa final round ng Hopeful Stakes Race sa pagitan ng mga kalahok na Two Timer, Serafina, The Accountant at JLO. Posibleng umakyat sa laban ang My Sheltex makaraang pagharian nito ang 2019 Philracom 3 Year Old Locally Bred Stakes Race nang talunin ang Silab.





Comments