top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Malinaw ayon sa birthday... MISIS NA NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA MGA ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Nawalan ng trabaho ang mister ko at kasalu­kuyan akong buntis sa ika­lima at bunso naming anak.

Kaya ngayon ay hirap na hirap kami at patuloy na nababaon sa pagkaka­utang.

Itatanong ko lang kung makahahanap na ba ng trabaho ang mitser ko nga­yong taon at kung kailan kami makapagbabayad sa aming mga pagkakautang?

Sana, mabigyan ninyo kami ng masusuwerteng nu­mero at kung saang lotto outlet kami puwedeng tu­maya. April 13, 1979 ang birthday ko at August 5, 1976 naman ang mister ko.

Umaasa,

Jane ng Bulac, Santa Maria, Bulacan

Dear Jane,

Ayon sa birth date mong 13 o 4, (ang 13 ay 1+3=4) sa destiny number na 7 (4+13 +1979=1996/ 19+96=115/ 11+5=16/ 1+6=7) at zodiac sign na Aries, nangangahulu­gang biglaang suwerte ang darating sa inyong buhay na dulot ng inyong anak na may mga birth date na 5, 14 at 23. Kung sinuman sa mga anak mo ang may ganyang birth­day, siya ang magdadala sa iyo ng malaking suwerte at magandang kapalaran kung saan sa kanyang pag-a-ab­road o kaya ay makapag-a­asawa siya ng mayaman, mag­babago at uunlad na ng tuluyan ang inyong buhay.

Dagdag pa rito, maaari mo ring hikayatin ang iyong mister na may birth date na 5 na mangibang-bansa dahil tulad ng nasabi na, nasa mga taong singko tulad ng mister mo ang magagandang ka­pa­la­rang maaaring mag-ahon sa inyong pamilya sa kahi­ra­pan.

Samantala, dahil ang birth date mong 13 o 4 ay may big­laang suwerte, maaari ring ikaw ay biglang suwertehin sa iba’t ibang uri ng mga pa­kikipagsapalaran, lalo na mula sa ika-19 ng Marso hanggang sa ika-28 ng Abril, mula ika-19 ng Hulyo hang­gang sa ika-28 ng Agosto at mula ika-19 ng Nobyembre hanggang sa ika-28 ng Dis­yembre.

Bukod sa kulay dilaw at berde, mapalad ka rin sa ku­lay pula, higit lalo sa mga pi­ling araw ng Linggo, Lunes at Martes.

Habang, mapalad ka sa lahat ng mga numerong may sumatutal na 1, 4, 5 at 7 tulad ng 10, 19, 28, 13, 22, 32,5, 14, 23, 32, 7, 16, 25, 34 at iba pang kauri nito.

Magsisilbing panghigop ng suwerte at pantaboy ng negatibong kapalaran ang ba­tong diamond na ipalalamuti sa silver na singsing o kaya ay nakadikit sa iyong balat.

Upang masapol mo ang ma­laking panalo sa anumang uri ng pakikipagsapalaran, mag­hanap ka ng lotto outlet na may mahabang pila na nasa ilalim ng antigong ba­hay o building.

Ang nasabing lotto out­let ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga na hu­migit-kumulang sa taong 2020 hanggang 2021, sa edad mong 41 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page