top of page
Pokwang.jpg

Kahulugan ng suwerte na mula sa malinis na pagkatao

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ted ng Ted_Onazentroc@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako ng batang dumi nang dumi. Ano ang ibig sabihin nito? Thanks!

Naghihintay, Ted

Sa iyo Ted, Ganito ang sabi ni Lord Buddha, “pagmasdan mo ang mga bata, lilinisin nila ang iyong kaisipan.” Sa katuruan ni Lord Buddha, ‘yung tinatawag na “eight-fold path” ay tumutukoy sa malinis na personalidad, kilos at isipan.

Ang kalinisan ng isipan, kilos at personalidad ay inilalarawan ng bata dahil ang mga bata ay may dalisay, wagas at malinis na kaisipan. “Maging si Lord Jesus ay nagpapahalaga sa mga bata, ang sabi Niya: Mali ba na matulad kayo sa mga bata na makakapasok kayo sa pintuan ng kaharian ng langit?” Ito ay dahil ang bata ay may malinis, wagas at dalisay na puso at isip.

Pansamantalang isantabi muna natin ang pangrelihiyong pananaw, ang tutukan natin ay ang pang-araw-araw na galaw ng ating buhay kung kailan nabubuhay tayo para maabot natin ang ating mga pangarap.

Kaya ang ilagay natin sa ating isipan ay kailangan ng bawat isa, lalo na ikaw, Ted, ang malinis, wagas at dalisay na puso at isip dahil ito mismo ang mensahe sa iyo ng iyong panaginip.

Ang “dumi” ng bata ay tumutukoy sa mga suwerteng mapasasaiyo na mula sa pagiging malinis ng iyong pagkatao.

Kaya, ang pahabol na sabi ng iyong panaginip, kapag malinis ang iyong personalidad, sobrang matutuwa ka dahil ang dating ng mga suwerte sa buhay mo ay sinasabing, tila ba walang katapusan.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page