top of page
Pokwang.jpg

Imbes takutin ang celebrity couple… MGA MULTO SA ASYLUM MANILA, NAGPA-SELFIE KINA MAINE AT ARJO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

SPEAKING of Maine Mendoza, muli nilang binulabog ni Arjo Atayde ang Asylum Manila nang bumisita ang celebrity couple sa haunted attraction.

Nagulat ang mga nandu’n dahil napakasimpleng babae raw pala ni Maine and besides, parang hindi raw siya celebrity kung umasta. Katunayan, sinabihan pang baduy si Maine dahil sa kanyang outfit.

As usual, kada kilos ni Maine ay pinupuna ng mga netizens.

Pero aliw ang komento ng isang netizen sa kuhang larawan ng celebrity couple sa loob ng Asylum.

Aniya, “Imbes na takutin sila, ‘yung mga multo ang nagulat at humingi ng selfie sa kanila.”

May nagsabi namang nawala na raw ang kinang ni Maine at hindi na rin interesting.

Pagtatanggol naman ng isa niyang fan, kahit hindi na interesting ang kanyang idolo ay okey lang, tutal naman daw, successful na si Maine sa buhay at puwedeng-puwede nang iwanan ang showbiz kasi businesswoman na rin daw ito. Katunayan ay nakapag-franchise na raw ang dalaga ng tatlong McDonald’s stores.

May nagsasabi pang baka raw ang sitcom nilang Daddy’s Gurl ni Vic Sotto ay hindi na rin magtagal sa ere.

Well, whatever it will be, sabi naman ng isang netizen, mas nakikilala raw ngayon si Maine bilang solo artist at siya lang daw ang instant star na nakapag-achieve at nakapagpundar ng negosyo in three years’ time.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page