top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ginawang pagtengga sa 2019 National Budget, 'wag sanang maulit sa 2020

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2019
2 min read

NAKABALIK na si P-Digong galing Bangkok, Thailand.

Maayos naman siyang nakauwi!

◘◘◘

BAGO tumulak patungong Thailand, inupakan ni P-Digong ang pag-hostage ng mga mambabatas sa 2019 National Budget.

Itinengga ito kaya umepekto ng negatibo sa ekonomiya!

◘◘◘

ISINISISI sa kahinaan ng liderato sa Kongreso ang pagkaantala ng 2019 budget approval.

Hindi ito dapat maulit sa 2020 National Budget kaya dapat beteranong mambabatas at hindi bagito ang maging Speaker ng Kamara!

◘◘◘

‘YAN mismo ang agenda ng meeting na inorganisa ni Rep. Alan Peter Cayetano sa Clark, Pampanga para asistehan si P-Digong sa Malacañang.

Tinalakay dito kung paano mapa­bibilis ang priority programs ng pangulo kaya dumalo ang mga kalihim ng DOF, DPWH, DOTr at BCDA!

◘◘◘

BIHASA si Rep. Cayetano sa pasikut-sikot ng gobyerno kaya siya ang pinaka­kuwalipikadong maging Speaker.

Kahit world issues ay gamay niya dahil dati siyang foreign affairs secretary!

◘◘◘

“BOY Sakay” naman ang bagong bansag kay Rep. Lord Allan Velasco.

Sinakyan niya ang okasyon kung saan inimbitahan ni Senator-elect Christopher “Bong” Go ang mga kongresista.

Si Rep. Velasco ang formal na nagmensahe sa mga kongresista, gayung ito ay “event” ni Sen. Go!

◘◘◘

HINDI pa nagbibigay ng paliwanag si Rep. Velasco kung totoong nagmula sa kanyang opisina ang mensaheng ito.

“Good evening congressman, this is from the Office of Cong. Lord Allan Velasco. We were requested to help coordinate for the mass oath-taking of newly elected officials with PRRD next week, June 25, 2019 (Tuesday), 5:15pm, at Rizal Hall, Malacañan”!

◘◘◘

AYON kay Majority Leader Fredenil Castro, immoral at highly indecent daw ang ginagawang “political pickpocketing” ni Rep. Velasco.

“To grab, snatch, or hijack the limelight of those who are scheduled to take their oath, including lawmakers and the honor of the president administering the oath for self-serving political purpose is highly immoral if not highly indecent,” wika ni Castro!

◘◘◘

NAUNA rito, sinakyan din ni Rep. Velasco ang meeting na ipinatawag ni Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa Malacañang para sa mga bagitong kongresista.

Umieksena na ala-photo bomber si Rep. Velasco kasama si P-Digong sa mga okasyon sa loob at labas ng bansa — pinakahuli sa Bangkok, Thailand!

◘◘◘

MAS mainam sana na humarap si Rep. Velasco sa publiko at ilatag niya ang kanyang kuwalipikasyon bilang Speaker.

Ipaliwanag niya kung bakit siya ang dapat maging Speaker ng 18th Congress!

Ganu’n lang kasimple!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page