top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ay, para siyang may mina ng ginto! SEKSING AKTRES, GAMIT NA GAMIT ANG BYUTI PARA MAGKA-DATUNG SA MGA

  • Erlida Rapadas
  • Jun 25, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

IBANG klaseng ma-in love ang maganda at seksing aktres. Mistula siyang bakla na mahilig magregalo, at pati na pamilya ng BF niya ay alaga rin niya sa mamahaling regalo with matching groceries pa.

Sugar mommy ang peg ng maganda at seksing aktres, todong-todo kung mag­mahal, all mine to give at halos wala nang itinitira sa sarili.

Maraming kalalakihan ang nagpa­pantasya sa aktres. May mga artista, pulitiko at businessman ang baliw na baliw sa kanya. May kapalit na kabuhayan showcase ang bawat pagpapa-cute niya sa mga guys na nabihag sa kanyang kagandahan.

Talo pa ni sexy actress ang may ma­laking negosyo kung pumasok ang kada­tungan na galing sa kanyang mga richie-richie sponsors-papa.

Pero nang ma-in love siya sa isang young actor na hindi naman gaanong sikat, siya na ang nagreregalo nang bonggang-bongga.

Ibinili niya ito ng mga alahas at pati Rolex watch. Maging ang mama ng young actor, ipinag-shopping niya sa high-end na boutique, bukod pa sa mga groceries na kanyang pinamimili para sa pamilya ng BF niyang young actor.

Pero one day, nagising din ang sexy actress sa kanyang kabaliwan. Nakipag-break siya sa young actor at kumuha ng isang pulitiko.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page