Trak, lumubog sa kalsada

NALAGLAG sa malaking lubak ang 14-wheeler truck na may kargang toneladang buhangin na idi-deliver sana sa Manila Bay, kahapon ng madaling-araw sa Maynila.
Ala-1:00 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa Roxas Boulevard kanto ng Remedios St., Malate.
Galing umano sa Pampanga ang trak na minamaneho ni Michael Lagco at may tatak na Manila Bay Task Force na papunta sa Manila Baywalk upang ideliber ang mga buhangin nang bigla na lang itong mahulog sa sinkhole.
Hindi naman nasugatan si Lagco at kanyang dalawang helper at wala ring mga motorista o tao sa lugar na nadamay sa pangyayari.
Nabatid na daraan sana sila sa Roxas Boulevard pero, dahil sa Manila Marathon 2019 event ay pinalipat sila ng traffic enforcers sa lugar sa service road.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang driver ng trak at pananagutin umano sa pinsalang nangyari dahil sa insidente.





Comments