Sa mga nakararanas ng boredom, perfect ito para sa inyo... 6 ACTIVITIES NA PUWEDENG GAWIN NGAYONG TA
- Jersey Sanchez
- Jun 24, 2019
- 2 min read

KAPAG naririnig natin ang salitang ‘tag-ulan’, unang pumapasok sa isip natin ang mas mahabang tulog dahil ‘ika nga nila, bed weather ito, agree? Pero, for sure, kahit maulan ay may pagkakataong gusto mong gumawa ng ibang bagay bukod sa pagtulog maghapon. Kaya mga bro at sis, narito ang ilang indoor activities na puwede ninyong gawin ngayong tag-ulan:
1. STUDY IN ADVANCE. Bagama’t, ‘bed weather’ at class suspension season ngayon, magandang pagkakataon ito para mag-advanced study.
Make sure lang na makapagpo-focus kayo sa pag-aaral kahit nakatutuksong matulog. Okie?
2. TRY BAKING. Perfect ang panahon para sa cookies at hot choco, mga beshy! Kaya ihanda na ang ingredients na kakailanganin sa paggawa nito at yayain sina bagets dahil magandang paraan din ito para turuan silang gumawa ng cookie o iba pang pastry.
3. MOVIE NIGHT. For sure, may mga beshy tayo riyan na hindi palalampasin ang bed weather dahil sino ba ang may ayaw ng movie and chill night?
Magandang pagkakataon din ito para maka-bonding sina bagets, pero make sure na kid-friendly ang movies na panonoorin ninyo, ha?
4. DOGGY SCAVENGER HUNT. Kung may furbaby kayo o alagang aso, puwedeng-puwede ninyo silang isali sa inyong rainy day adventures.
Para gawin ito, magtago lamang ng treats sa puppy-friendly areas, gayundin, gumamit ng orasan para malaman kung gaano kabilis nila ito mahahanap.
5. PAMPER YOURSELF. Manicure, pedicure at skincare? Dehins mo kailangang lumabas ng bahay para gawin ang mga ito dahil puwede mo itong gawin sa iyong bahay kasama ang iyong nanay at mga kapatid. Instant bonding din ito, beshy!
6. FAMILY COOKING SESSION. Dahil nasa bahay lang sina bagets, bakit hindi ninyo subukang magluto kasama sila?
Gawin ninyong exciting ang pagluluto kasama sina bagets sa pamamagitan ng pagbibigay ng task sa bawat isa. Sa ganitong paraan, makatutulong ito para matutunan nila ang halaga ng pagtulong kahit sa maliit na paraan.
Mga bro at sis, it’s time para baguhin ang mga nakasanayan nating gawin tuwing tag-ulan sa pamamagitan ng ilang activities na ito.
For sure, may nagustuhan kayo sa mga aktibidad na ito kaya bye bye, boring rainy days!
Copy?




Comments