PH-China joint investigation sa banggaan sa WPS, nangangamoy 'lutong-makaw'
- BULGAR

- Jun 24, 2019
- 2 min read
ASAHAN ANG ‘LUTONG-MAKAW’ SA PH-CHINA JOINT INVESTIGATION —Pumayag na si P-Duterte sa kagustuhan ng China na magkaroon ng joint investigation tungkol sa pagkakabangga ng Chinese militia vessel sa bangkang-pangisda ng mga Pinoy na muntik nang ikamatay sa lunod ng 22 mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS).
Dahil d’yan, asahan nang magkakaroon ng “lutong-makaw” sa Philippines-China joint investigation na ‘yan, period!
◘◘◘
PARA KAY P-DUTERTE, KAPALIT NG DIPLOMATIC PROTEST AY IWA-WIPEOUT NG CHINA ANG MGA PINOY—Ayon kay P-Duterte, ayaw daw niyang magreklamo (diplomatic protest) sa China sa ginawa ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS dahil takot daw siyang ubusin o i-wipeout ng China ang mga Pilipino.
Ganu’n? Ang kapalit ng diplomatic protest ay pag-wipeout o pagmasaker ng China sa mga Pinoy?
Kung totoo ang sinabing ‘yan ni P-Duterte, ang bad pala ng friend niyang si Chinese Pres. Xi Jinping? Boom!
◘◘◘
KUNG MAKAPAGSALITA SI P-DUTERTE, FEELING NIYA HINDI POLITICAL DYNASTY ANG ANGKAN NIYA—Sinisi ni P-Duterte ang mga botante kung bakit masyadong laganap sa bansa ang political dynasty o pamilya ng mga pulitiko na may mga puwesto sa gobyerno.
‘Sus, kung makapagsalita si P-Duterte, parang hindi kabilang ang pamilya niya sa nagtataguyod ng political dynasty sa bansa, buwisit!
◘◘◘
FINANCIER NG JUETENG AT ILIGAL NA DROGA SA QC, DAPAT “ITOKHANG” NA NI GEN. ESQUIVEL—Isang “Johnny Intsik” daw ang financier nina “Zaldy”, “Cris” at “Ryan” sa jueteng operation nila sa Quezon City.
Aba, teka, Intsik pala ang financier nila sa jueteng. Hindi kaya financier din ito ng illegal drugs sa QC kasi hanggang ngayon ay malala pa rin ang drug addiction sa lungsod.
Paging QCPD Director, Brig. Gen. Joselito Esquivel, Jr. baka puwedeng pakitokhang na sina “Johnny Intsik”, “Zaldy”, “Cris” at “Ryan” para matigil na ang illegal activities nila sa QC, plis lang!





Comments