top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Naghanap ng signal, sapol sa kidlat | 2 ADIK SA MOBILE LEGENDS, PATAY

Jeff Tumbado
Jun 24, 2019
1 min read

DEDBOL ang magpin­san makaraang tamaan sila ng kidlat sa Sta. Elena, Ca­marines Sur.

Kapwa wala ng buhay na natagpuan sa isang bahagi ng bukirin sa Bgy. Patag Ilaya ang mga biktima na sina Jim­boy Magsino Lora at Jercho Compra Lora, kapwa 18-anyos.

Base sa imbestigasyon ng Sta. Elena Municipal Po­lice, nangyari ang insidente pa­sado alas-4:00 ng hapon nitong Sabado. Hirap umanong makasa­gap sa kanilang lugar ng signal ng internet para sa online game na Mobile Legends kaya nagpaalam sa kanilang kaanak na lalabas ng bahay para humanap ng signal.

Sa kanilang paghahanap ay nakasagap ng signal ang magpinsan sa mataas na bahagi ng bukid ng barangay at doon pumuwesto sa isang hindi mabatid na klase ng puno.

Gayunman, hindi pa man nakatatagal sa paglalaro ng on­line game ang mag­pinsan nang biglang dumilim ang kalangitan at nag-um­pisang kumulog at kumidlat. Sinasabi pa sa report na tinangkang umalis ng mga biktima sa kanilang kinau­upuan dahil sa pumapatak na ang ulan hanggang sa mag­kasabay silang masapol ng kidlat.

Nagtamo ng malaking sunog sa katawan ang mag­pin­san at sa kanilang katabi ay ang nagkahiwa-hiwalay na parte ng kanilang cell­phone. Patuloy pa ang imbesti­gasyon ng mga awtoridad ka­ugnay ng pangyayari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page