top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG UMASENSO SA PAGPUNTA SA IBANG BANSA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Ako ay tindera sa palengke na may maliit na suweldo. Kaya ngayon, balak kong mag-apply bilang D.H. sa Hong Kong para makaangat-angat ang aming kabuhayan. Second year college lang ang naabot ko.

  2. Ang gusto kong malaman, Maestro, kung sa­kali, matutuloy kaya ako at may maganda bang Travel Line sa aking mga palad?

  3. Gusto kong mabigyan ng magandang kina­bukasan ang mga magulang ko sa probinsiya at maiahon sila sa kahirapan.

KASAGUTAN

1. Tama ang iniisip mo, Vicky, na mag-abroad kaysa magtiis sa kasalukuyan mong trabaho na tindera na maliit ang suweldo kung saan ang malawak at ma­gandang Travel Line (Drawing A.at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabing, ma­kapag-a-abroad ka sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.

2. Ito rin ay tanda na tulad ng nasabi na, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, tiyak ang magaganap, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang ita­tala sa iyong kapalaran.

Ang pag-aanalisang ma­kapag-a-abroad ka ay ma­dali namang kinumpirma ng birth date mong 28, sa zodiac sign na Aries.

3. Ibig sabihin, sa mga bagay na may kaugnayan sa pakikipagsapalaran sa malalayong lugar, walang duda, magkakaroon ka ng mabunga at mabiyayang kapala­ran. Kaya kung hindi ka makikipagsapalaran at ma­nanatili ka lamang na nagtitinda o tindera sa pa­lengke, malabo kang umunlad at makaahon sa kahi­rapan.

Subalit, kung lakas-loob kang makikipagsa­palaran tulad ng naipaliwanag na, sa malayong pook, may ma­bunga at mabiyayang pag-a-abroad kang mararanasan na magdudulot ng malaking pag-unlad sa iyong buong pamilya na nasa probinsiya kung saan ma­giging asen­sado ang inyong pamumuhay.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Vicky, basta magpatuloy ka lang na kumilos at palagi mong pairalin ang lakas ng loob habang palagi ka ring magsusuot ng masusuwerte mong kulay berde, dilaw at pula, tiyak ang magaganap, tulad ng nasabi na, bago matapos ang taon, sa buwan ng Oktubre o kaya ay Nobyembre, sa edad mong 28 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page