top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot nilikida ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Jun 24, 2019
1 min read

MASBATE—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Del Carmen, Uson sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Ramon Malana, nakatira sa Bgy. Crossing sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, nakatayo umano si Malana nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Malana.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page