Babala sa mahilig magpakulay ng buhok!

Dear Doc. Shane,
Ako ay 23 years old at mula pa noon ay mahilig na akong magpakulay ng buhok dahil bukod sa uso ito ay mas tumataas ang self-confidence ko kapag may kulay ang aking buhok, subalit, ang problema ko tila sobrang nipis ng aking buhok. Ang sabi ng mommy ko, baka raw dahil ito sa madalas kong magpa-hair color kaya naglalagas ang aking buhok. Totoo ba ‘yun? Mayroon ba akong puwedeng gawin para rito? — James
Sagot
May pansamantalang pagkakalbo na posibleng dulot ng ibang sakit, gamot, nutrisyon, labis na tensiyon (pisikal man o emosyunal) at siyempre, dahil masasabing pansamantala lamang ito, muling tutubo at kakapal ang buhok sa loob ng ilang buwan matapos magamot ang pangunahing sanhi ng pagkakalbo.
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nalalagas at numinipis ang ating buhok lalo na sa kalalakihan:
familial tendency (nasa lahi ang maninipis ang buhok o ‘yung nakakalbo nang maaga)
sobrang paggamit ng gel o kung anu-anong pamahid sa buhok
balakubak na halos nakakapit na sa anit
pagpapakulay ng buhok
Gayunman, para maiwasan ang labis na pagkalagas ng buhok, ipinapayo ang tamang pagsusuklay. Sabi nila araw-araw daw ay kailangang masuklay natin ito ng 25 strokes o higit pa. Mainam ang pagba-brush ng buhok dahil epektibo ito sa pag-alis ng mga dumi sa buhok at tumutulong na ikalat ang natural oil na nasa anit sa mga puno at katawan ng buhok. Lumilikha ito ng “smoother hair surface”, subalit, maipapayong huwag gagamit ng hairbrush habang basa pa ang buhok, ang iba ay gumagamit ng wide tooth comb hangga’t basa pa ang buhok at kapag malapit nang matuyo ay puwede na ang hairbrush.
Gayundin, mayroong mga hair grower na mabibili sa pinagkakatiwalaan ninyong botika, pero makabubuti kung ipakokonsulta muna ito sa mga eksperto upang masuring mabuti at mabigyan ang pasyente ng karagdagang payo.





Comments