top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wa' kiyemeng umamin… HEART, AMINADONG NAADIK, NAKAKA-3 TABLETS A DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2019
  • 2 min read

MAPUTI at makinis na ang kutis ni Heart Evangelista, pero ang gusto niya ay laging may ‘glow’ ang kanyang aura kaya nakumbinse siyang subukang uminom ng glutathione supplement lalo’t ang Thiocell na latest endorsement niya ay nasa lozenge form na at chewable pa.

Ang Thiocell ay produkto ng Brady Pharma, Inc. na hindi lang skin whitening ang effect kundi nakakapag-boost din ng immune system kaya natuwa si Heart dahil sa kanyang hectic schedule, alive na alive pa rin siya at parang ‘di nakakaramdam ng pagod.

Kaya ‘yung puwede naman nang 1 lozenge a day, ginagawang 2 or 3 times ni Heart dahil nakita raw niya ang magandang effect sa kanya ng Thiocell. At kahit pa magbuntis siya, siniguro ng mga tao sa likod ng gluta supplement brand na hindi ito magiging delikado para kay Heart.

Anyway, after nga ng traumatic experience ni Heart dahil sa kanyang miscarriage, hindi muna pagbubuntis ang priority niya ngayon lalo’t ang daming opportunity ang dumating sa kanya tulad ng international movie na siya ang kinuhang bida at isinu-shoot sa China.

Hanggang end of this year pa ang shooting ni Heart sa China kaya parang gagawin niyang Cubao to Quiapo lang ang pagbi­yahe ru’n at pagbalik dito since isa rin siya sa mga council ng StarStruck 7 na umeere na ngayon.

Naiintindihan naman daw ng mister niyang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang busy sched ngayon ni Heart at hindi rin ito nagma­madaling magka-baby sila since may mga anak na rin naman ang dati ring senador sa una nitong asawa.

Ayaw daw niyang kuwesti­yunin ang mga plano ni God at kung kailan ibibigay ang baby nila, tatanggapin lang niya.

At dahil hindi nga sila nagra-rush magka-baby, hindi rin daw naiisip ni Heart ang mga options like magpa-preserve na ng kanyang eggs para makasigurong someday ay magkakaanak siya, tulad ng ginagawa ng ilang celebs nating nagkakaedad na.

Nagkuwento si Heart na sobrang hirap daw ng shooting ng ginagawa niyang action movie sa China, at kapag naho-homesick siya dahil ang destination lang nila ru’n ay hotel-studio-hotel-studio, umiiyak na lang daw siya.

Pero happy and excited siyempre si Heart at sana raw ay maipalabas dito sa atin ang ginagawa niyang movie. Si Gov. Chiz nga raw ay proud na proud sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page