Tanod niratrat sa resto bar, utas

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng tatlong kalalakihan ang isang tanod sa Bgy. Balintawak, Lipa City, Batangas.
Sa inisyal na imbestigasyon, alas-9:45 ng gabi, naka-duty sa labas ng Metro Event Zone Resto Bar ang biktimang si Arturo Dondriano, 52, may asawa, ng Purok 3, ng naturang lugar.
Nilapitan umano siya ng tatlong suspek na sina Romeo Noyna, 19; Jaycee Sabadera, 28, at Joshua Cueto, 19, pawang mga kalugar ng biktima.
Agad siyang binaril ng anim na beses sa katawan bago nagsitakas.
Pasado alas-2:00 ng madaling-araw, sa pangunguna ni PCol. Ramon Balauag, nasakote sa kanilang pinagtataguan ang mga suspek sa Tanco Drive ng naturang barangay.
Lumalabas sa motibo ng krimen ang dating alitan ng mga ito sa biktima kaya pinagplanuhang maigi ang pagpatay sa kanya.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nahuling suspek at sinampahan na ng kaukulang kaso.





Comments