top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

SUV sumalpok sa poste, 6 nadale

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 23, 2019
1 min read

ANIM na magkakamag-anak ang sugatan makaraang sumalpok ang SUV sa kongkretong poste sa Bgy. Boalan, Zamboanga City.

Sa lakas ng pagkakabangga, natumba ang poste saka bumagsak sa katabing tindahan.

Nasira rin ang harapan ng isang kotse na nabangga rin ng SUV.

Sa panayam kay Police Staff Sgt. Marlon Fernando, anim sa mga sakay ng SUV ang nagtamo ng minor injuries, kabilang ang driver nito.

Posible umanong pumutok ang isa sa mga likurang gulong ng SUV kaya nawalan ng kontrol ang driver nito saka sumalpok sa poste.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatan.

Nangako rin ang driver ng SUV na babayaran ang lahat ng mga nasirang ari-arian, kasama na ang nadamay na kotse. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page