top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P-Digong umamin | UMIINOM AKO NG SLEEPING PILLS

Mylene Alfonso
Jun 23, 2019
1 min read

INAMIN ni Pangu­long Rodrigo Duterte na umi­inom siya ng sleeping pills.

Ayon kay Duterte, umi­­inom siya ng stilnox na ga­mot na inireseta sa kanya ng kanyang doktor para sa short-term treat­ment ng in­somnia, parti­kular sa mga matatanda.

Malaking tulong aniya ang gamot dahil oras na ma­kainom siya nito ay para na niyang nakum­pleto ang wa­long oras na tulog kahit anim na oras lang siyang nahiga sa kama.

“I take stilnox to sleep. Prescribed ‘yan. Tulog ka talaga because stilnox ma­katulog ka lang ng six hours, pa­rang nag-hit ka ng mga eight because not even dreams, wala sarado ta­laga,” pa­li­wanag ni Du­terte sa kan­yang talum­pati sa Davao City.

Matatandaang, ina­min din noon ng Punong Eheku­tibo ang pag-inom ng fen­tanyl dahil sa ma­tinding sakit sa kanyang spinal cord na du­lot ng pag­kakaaksidente niya sa motorsiklo ilang taon na ang nakalilipas.

Ang fentanyl ay ini­reseta sa pangulo ng kan­yang dok­tor kung saan hinahati niya sa apat na piraso at iniinom nito ng isang beses kada da­la­wang araw.

Ilang beses ding napa­ulat na may malubhang sakit umano ang Chief Exe­cutive bagay na iti­nanggi ng Ma­la­cañang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page