top of page
Pokwang.jpg

Mga batang lulong sa solvent, may pag-asa pa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 23, 2019
1 min read

Nakababahala na ang kaliwa’t kanan at lantarang pagso-solvent ng mga menor-de-edad sa lansangan sa Metro Manila.

Kamakailan lamang, inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang programa na layong sagipin ang mga batang nagso-solvent sa mga lansangan.

Balak ipatupad sa buong bansa ang “Sagip Batang Solvent Re­formation” pero, sa kasalukuyan, sa Kyusi muna ito inilunsad.

Ayon sa PDEA, hindi malayong masangkot ang mga bata sa iba’t ibang krimen kung patuloy na magso-solvent ang mga ito.

Sa ngayon, 28 menor-de-edad na ang naisalba ng ahensiya at ipinasok sa mga reformation center.

Isasailalim ang mga bata sa counseling, values formation at iba pang educational activities na makatutulong sa pagbabagong-buhay ng mga ito.

Hindi lamang para sa mga batang lansangan ang naturang programa dahil ayon sa ahensiya, puwedeng boluntaryong dalhin ng mga magulang ang kanilang anak kung sakaling hindi na nila ito makontrol sa paggamit ng iligal na droga.

Mula noong 2016, aabot na sa 2,342 menor-de-edad na nasangkot sa iligal na droga ang nasagip ng ahensiya kung saan 4-anyos ang pinakabata rito.

Marami nang buhay ang nasira dahil sa pagso-solvent at paggawa ng krimen kaya dapat lamang na gumawa ng hakbang ang pamahalaan para pigilan ito.

Matagumpay itong maipatutupad sa bansa kung tutulong din tayo sa pamamagitan ng pagre-report sa mga kinauukulan sakaling makakita ng batang nagso-solvent sa lansangan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page