Kelot dedbol sa tiyuhin
Pabs Hernandez III
Jun 23, 2019
1 min read
SOUTH COTABATO—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng kanyang tiyuhin, kamakalawa sa Bgy. Ned, Lake Sebu sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Jesusunny Cachuela, samantalang, ang suspek ay ang amain nito na si Rodolfo, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo sina Jesusunny at Rodolfo na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Kaagad namang nadakip ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek.





Comments