top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | Hunyo 23, 2019 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 23, 2019 (Linggo): Hahawak ka ng matataas na puwes­to. Panatilihin mong na­ka­sayad ang iyong mga paa sa lupa nang sa gayun ay patuloy na umangat ang iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo nang mahig­pit ang nasa sa iyo na. Hindi mo kai­la­­ngang sayangin ang mga nasa sa kamay mo na. Ang pagpapayaman ay hindi palaging nakukuha sa paki­kipagsapalaran. Masu­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-24-39-45-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpatulong ka! Hindi ma­sama ang mag­patulong, pero piliin mo lang ang iyong lalapitan na dapat ay hindi pagsa­mantalahan ang ibibigay niyang tulong sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-20-21-25-37.

GEMINI (May 21- June 20) - Dagdagan mo pa ang iyong mga panga­rap. Hindi dapat huminto ang tao nang dahil lang sa ma­rami na siyang nagawa sa buhay niya. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-4-12-15-29-30-35.

CANCER (June 21- July 22) - Tangga­pin mo ang ma­gagandang ba­gay mula sa taong may pagtingin sa iyo. Hindi ma­sama na mapasaiyo ang premyo da­hil sinuwerte siya sa iyo. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-10-13-17-22-28-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gagamitin ka ng langit para bigyang-saya ang mga nangangaila­ngan. Huwag kang maging ma­damot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-3-11-18-21-24-25.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iaangat ka ng iyong likas na talino, iba­bag­sak ka ng mga negati­bong pananaw na naglalabas-masok sa iyong isipan. Alam mo na dapat ang iyong gagawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-20-25-34-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maaaring ma­hirap mong ma­uunawa­an, pero ang payo sa iyo sa araw na ito ay huwag kang magpapagamit, dapat ikaw ang manggagamit. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-17-20-24-28-30.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naantala lang ang iyong hinihintay. Wala kang dapat ipag-alala dahil sa batas ng ka­palaran, ang para sa iyo ay para talaga sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran ngayon. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-12-26-28-33-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masuwerte ka ngayon. Sino kaya ang ma­malasin? Sino pa nga ba kundi ang mga taong wa­lang hinangad kundi ang mabigo ka. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-21-27-32-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umasta ka na ikaw ay masaya. Ma­wa­wala sa konsentrasyon ang mga naiinggit sa iyo at ang mga lihim na ka­away mo. Sa halip na ikaw ang malungkot sila ang sobrang malulung­kot. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-21-24-41-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang malito. Ang kapala­ran mo sa araw na ito ay nagsasabing, higit sa isa ang handang alayan ka ng masarap na buhay. Tang­gapin mo ito at huwag mong ayawan. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-18-25-26-38-40-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtiwala ka sa iyong kaka­ya­han. Sa araw na ito, ang mga kagustuhan mo ay isa-isang nagkaka­roon ng linaw. Muli, magti­wala ka sa iyong kakaya­han. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-15-19-24-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page