Bus nahulog sa bangin 44 patay, 35 grabe
PATAY ang 44 katao habang sugatan ang 35 iba pa matapos maaksidente ang sinasakyang bus sa northern state sa India na Himachal Pradesh.
Ayon sa mga awtoridad, nasa mahigit 80 ang sakay ng bus nang maganap ang insidente.
Napag-alaman na nahulog sa 300-metro na bangin ang bus kung saan kinailangan pang itawid ng ilog ang mga nailigtas para maiakyat mula sa bangin.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang prime minister ng India sa pamilya ng mga nasawi.
Tiniyak din nitong ibibigay ang lahat ng tulong sa pamilya ng mga biktima.





Comments